ang dami kong gustong sabihin pero dahil ang dami ko ding gingawa at iniisip these past few months, hind na ako nakapag-update.
i've said "goodbye" to a lot of people and places these year. hindi ko na iisaisahin, kasi medyo malungkot. pero ang pinaka-latest ay ang paglipat ko ng work. after a little more than 3 years with TF, nagpaalam na ako sa kanila.
mahirap yun decision. hindi ko rin ine-expect at lalong hindi rin nila inaasahan. hanggang sa last day ko, tinatanong pa din ako kung talaga bang aalis na ako.
anyway, 2 weeks na ako sa aking bagong company.
ang masasabi ko lang, ibang iba sya dahil sa mga sumusunod:
1. hindi na pwede ang jeans. may dress code din kahit holiday shift.
2. bawal magpasok (at syempre pati maglabas) ng gamit sa loob. kasama dito ang cellphone!
3. hindi per cubicle ang mga teams. per room ito. at hindi ka pwedeng basta basta pumasok sa isang room. ika nga, "authorized persons only". hindi ka dn naman basta basta makakapasok kase biometrics ang gamit para ma-identify ang taong papasok.
4. may trunstile (yun kagaya sa mrt/lrt) sa may entrance kaya bawal ang tailgaiting.
4. may camera sa loob ng rooms, corridors at pati ata sa pantry.
5. bawal gamitin ang office email kapag hindi business-related. syempre, bawal din ang YM!
ang tawag ko sa bagong office ay "bahay ni kuya". ang dami kasing bawal at wala kaming connection sa outside world pag nasa loob. buti na lang, naglagay sila ng phone sa pantry, at least pwede tumawag.
at lahat ng yan ay dahil sa confidentiality. bawal daw magkwento ng specifics ng trabaho sa iba.
kung saan ako nagwowork, tanungin nyo na lang ako pag nagkita tayo. hehe
Read more...