bday & anniversary

>> Wednesday, November 23, 2005

bday kahapon ni Daddy. nakakatuwa, pinuntahan siya nun mga friends nya. sigurado ako na natuwa ang tatay ko..

----------------
anniversary ngayon ni Mommy and Daddy. pang-36th year na nila. tinawagan ko si Mommy kanina..

Ako: anong handa nyo?
Mommy: kahapon? nagluto kami ng..
Ako: hindi, ngayon.
Mommy: (natawa lang siya) ay, wala na yun. ang theme song ko nga ngayon eh "saan ako nagkamali"

hehehe lagi yan sinasabi ng nanay ko. makulet din yun eh. siguro sa kanya ko namana yun pagka-mahirit ko.

Read more...

Sunday

>> Monday, November 14, 2005

Dahil napuyat ako nun Sat night, after lunch na ako bumangon. Nabasa basa tapos nag-ayos ng mga gamit. Around 4pm gumayak na ko para pumunta sa SM Makati para i-meet si Christopher. Sumali kasi sya sa BAKAC 2005 – GUNDAM REGIONAL FINALS. So, moral support ako dun at semi-alalay na rin. Sayang, hindi sya nanalo. Pero ok lang din naman dahil first time nya yun at mukhang sobrang enthusiasts yun mga nanalo.

Puro taga-MechaPinoy ang nanalo. Magaling naman kasi sila. Wala ako masyado makwento dahil wala akong alam tungkol sa gundam.

----------------
Sumakay ako ng Landmark na jeep papunta dun. Nung nasa Makati Ave. na ako, napansin ko yun apelyido sa jersey na nasa upuan sa harap -- Guansing.

Naalala ko yun kapitbahay namin. Kalaro ko sila dati tapos nung HS ako, lumipat sila ng bahay. Tapos bigla ko naalala na sa Makati nga pala sila lumipat at meron silang pamasaherong jeep. Madalas kami maglaro sa jeep nila. Tapos nakasulat dun dati GUAD. IBABAW DELPAN.

Hindi ko alam dati kung saan yun lugar na yun. Pero alam ko na ngaun dahil lagi akong nakakasakay dun. Kinabahan ako. Si manong driver kaya ay si Kuyang Junior na dati naming kapitbahay? Tiningnan ko yun jeep, hindi naman kamukha nung jeep na pinaglalaruan namin dati. Sinisilip ko din sa salamin yun driver pero hindi ko masyado makita.

Hindi ko namalayan na nasa Landmark na pala kami. Ako yun huling bumaba sa jeep tapos habang pababa ako, kinausap nya yun barker. Sa palagay ko, siya nga yun...

Read more...

Saturday

>> Sunday, November 13, 2005

Spent the whole day in an Achieve Global Training at the Hotel Intercontinental. Hindi ako late! woohoo! May consequence kasi ang mga late comers.

Had a despedida dinner for Ateng and Kuya Gary with Ate Lu and Marvin between 8pm - 10pm at Dad's Glorietta. Super busog kami! hehe

Around 1045pm dumating kami sa PBB House. Ayos, hindi pa ina-aannouce kung sino ang mapapalayas sa bahay ni Kuya. Nagtext ako ng ilang tao pagdating dun para ipaalam na nandun ako. Mahirap na, baka makita ako sa camera eh. wehehe

Hindi naman super dami ng tao. Pagka-announce ng name nun matatanggal, lumakad lakad kami hanggang nasa harap na kami. Syempre, picture picture kami dun. Hindi nga lang digicam ang aming camera kaya hindi ko pa ma-ppost dito.

Mas maganda si Mariel kaysa kay Tony. Pero mas entertaining si Tony. Habang commercial break saka kapag hindi sila live, kumakanta sya ng PBB song. Yun hindi maayos na kanta, parang pag naliligo. hehehe Tapos kinakausap nya yun mga tao.

Nakita ko syempre si Jenny, mas maganda sya sa personal kaysa sa tv. Tapos si JB, pero hindi ko masyado tiningnan kasi ayoko sa kanya.

Tapos, tumambay muna kami sa Starbuck sa ABS. Baka may makita pa kaming celebrities eh! Nandun ang pamilya ni Say (sorry sa mga hindi nanood ng PBB). Mukhang mas maganda yun kapatid nya sa kanya. Nandun din si Big Brother (Laurenti Dyogi). Tingin ko talaga siya yun eh. Gusto ko sana magpa-picture kasama sya kaya lang nahiya ako dahil medyo madaming tao. Next time na lang.. hehe

Hmm.. sino pa bang nakita ko? Ahh.. si Asia pala nakita ko from afar.

Around 12pm, may mga bata na lumalabas sa entrance ng ABS. Sila yun mga kids sa Going Bulilit. Nakakatuwa. May taping pala sila. Grabe, ang babata pa nag-kakape na. Matagal tagal sila sa loob dahil ang dami nila. Paglabas nila, lumapit sila dun sa isa pang direktor (hindi ko alam yun name), tapos tinanong sila "nililibre ba kayo ni direk?".

Sabi nila, "Opo. Pag po nakaka-take 1 kami." Ayos!

Read more...

back pain..

>> Wednesday, November 09, 2005

Ang sakit ng likod ko! Hindi pala, may certain part lang na masakit. Yun sa may lower left ng kanang buto (hind ko alam tawag dun).

I was reaching for something kaninang umaga nun biglang may sharp pain sa area na yun. Tapos hindi ako makagalaw kasi masakit. Akala ko hindi ako makakapasok dahil hindi ako makakilos ng mabilis. Dapat dahan dahan.

Hindi rin ako makatawa kasi masakit pag gumagalaw yun shoulders ko. Pati pagtango at pag-iling hindi ko magawa ng maayos. Hindi ko nga masyadong nalasahan yun lunch ko kasi yun sakit ng likod ko lang ang narararamdaman ko.

Tapos, minsan pag gumagalaw ako naririnig ko yun buto ko na nagka-crack. Nakakatakot. Sabi ni Mai, dapat daw kasi umiinom ako ng gatas. Hmm.. ayoko pa rin. hehe

Sana ok na bukas. Kulang na talaga ko sa stretching at exercise.


Read more...

tiny bubbles..

>> Thursday, November 03, 2005

kagabi, sa office...

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Read more...
    Web Counter

  © Blogger template Simple n' Sweet by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP