Saturday
>> Sunday, November 13, 2005
Spent the whole day in an Achieve Global Training at the Hotel Intercontinental. Hindi ako late! woohoo! May consequence kasi ang mga late comers.
Had a despedida dinner for Ateng and Kuya Gary with Ate Lu and Marvin between 8pm - 10pm at Dad's Glorietta. Super busog kami! hehe
Around 1045pm dumating kami sa PBB House. Ayos, hindi pa ina-aannouce kung sino ang mapapalayas sa bahay ni Kuya. Nagtext ako ng ilang tao pagdating dun para ipaalam na nandun ako. Mahirap na, baka makita ako sa camera eh. wehehe
Hindi naman super dami ng tao. Pagka-announce ng name nun matatanggal, lumakad lakad kami hanggang nasa harap na kami. Syempre, picture picture kami dun. Hindi nga lang digicam ang aming camera kaya hindi ko pa ma-ppost dito.
Mas maganda si Mariel kaysa kay Tony. Pero mas entertaining si Tony. Habang commercial break saka kapag hindi sila live, kumakanta sya ng PBB song. Yun hindi maayos na kanta, parang pag naliligo. hehehe Tapos kinakausap nya yun mga tao.
Nakita ko syempre si Jenny, mas maganda sya sa personal kaysa sa tv. Tapos si JB, pero hindi ko masyado tiningnan kasi ayoko sa kanya.
Tapos, tumambay muna kami sa Starbuck sa ABS. Baka may makita pa kaming celebrities eh! Nandun ang pamilya ni Say (sorry sa mga hindi nanood ng PBB). Mukhang mas maganda yun kapatid nya sa kanya. Nandun din si Big Brother (Laurenti Dyogi). Tingin ko talaga siya yun eh. Gusto ko sana magpa-picture kasama sya kaya lang nahiya ako dahil medyo madaming tao. Next time na lang.. hehe
Hmm.. sino pa bang nakita ko? Ahh.. si Asia pala nakita ko from afar.
Around 12pm, may mga bata na lumalabas sa entrance ng ABS. Sila yun mga kids sa Going Bulilit. Nakakatuwa. May taping pala sila. Grabe, ang babata pa nag-kakape na. Matagal tagal sila sa loob dahil ang dami nila. Paglabas nila, lumapit sila dun sa isa pang direktor (hindi ko alam yun name), tapos tinanong sila "nililibre ba kayo ni direk?".
Sabi nila, "Opo. Pag po nakaka-take 1 kami." Ayos!
0 comments:
Post a Comment