back pain..

>> Wednesday, November 09, 2005

Ang sakit ng likod ko! Hindi pala, may certain part lang na masakit. Yun sa may lower left ng kanang buto (hind ko alam tawag dun).

I was reaching for something kaninang umaga nun biglang may sharp pain sa area na yun. Tapos hindi ako makagalaw kasi masakit. Akala ko hindi ako makakapasok dahil hindi ako makakilos ng mabilis. Dapat dahan dahan.

Hindi rin ako makatawa kasi masakit pag gumagalaw yun shoulders ko. Pati pagtango at pag-iling hindi ko magawa ng maayos. Hindi ko nga masyadong nalasahan yun lunch ko kasi yun sakit ng likod ko lang ang narararamdaman ko.

Tapos, minsan pag gumagalaw ako naririnig ko yun buto ko na nagka-crack. Nakakatakot. Sabi ni Mai, dapat daw kasi umiinom ako ng gatas. Hmm.. ayoko pa rin. hehe

Sana ok na bukas. Kulang na talaga ko sa stretching at exercise.


1 comments:

Anonymous,  4:17 PM  

siguro nga, stretching, exercise at GATAS ang katapat niyan! [hehe]
pero to be sure, patingin mo na rin sa doctor... mahirap na... ok ka na ba ngayon?

Post a Comment

    Web Counter

  © Blogger template Simple n' Sweet by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP