missing in action
>> Monday, May 23, 2005
Hindi ko alam kung may nakapansin na nawala ako ng ilang araw nung nakaraang linggo. Siguro naman meron. Umuwi ako ng Nueva noong weekend tapos pumunta ng Baguio noong Tuesday and Wednesday. Dumalaw kasi yun kapatid ko na nakatira na sa Davao kasama ang wife nya at yun panganay nila. Naiwan sa Davao yun mas bata, si Giero. Dumalaw din yun panganay namin na pinsan kasama yun buong family nya.
Syempre, magulo sa bahay dahil ang daming bata batuta. Ngayon lang kami ulit nakumpleto na magkakapatid. Ako at ang apat kong mga kuya.
---------------
Pumunta kami sa Baguio. Sa pagkakatanda ko, ngayon lang kami nag-bakasyon na magkakasama. Well, hindi rin pala kasi hindi kasama si Dikong. Siya ang taong-bahay. Hindi kasi kami talaga lumalabas na sama-sama. Ewan ko ba kung bakit.
Hmm.. pangalawa na pala yun. Kasi, noong ikinasal si Mel (siya yun sinundan ko), pumunta kami lahat sa Davao. Gastos! Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinatawag na Kuyang pero yun ang dapat. Sabagay, hindi rin naman nya tinatawag na sangko si Sangko. Ricco lang ang tawag nya. Kaya ok lng din siguro.
---------------
picture! picture!
Day 2 na yun mga pix dito. Noon lang kasi ako nakabili ng battery para sa Digicam.
First Stop: Philippine Military Academy
Ang kulit ni Ken (bunsong anak ni Kuya Renan) at ang sarap nya asarin kasi inis na inis talaga siya. hehehe
Kuya Renan (Kuya #1) with Ken
Yellow Team: Kuya Renan, Ken, Mommy
Nakakatawa talga sila. Magbabaon lang ng damit, magkakakulay pa! haha
Sangko (Kuya #4) with James
(si Dikong Randy ang original kuya#2 but he had cancer when he was 3. tapos ang kuya #3 ay si Dikong pero hindi siya kasama.)
Mel (Kuya #5) with Rovic (oo, galing sa Tabing Ilog ang pangalan nya. showbiz! wehehe)
Red Team: Mama, Kylie, Karen, cadet 1, cadet 2, Mel, Rovic, Ate Vangie
Ayos talaga yun mga damit nila.
Si Ninang at ang chopper.
Isa pang member ng Red Team! hehehe
Ang kaisa-isahan kong picture. Mahirap talaga maging official video at camera woman.
forward, march!
nasa gilid si Ate Wilma, Sangko at James
---------------------
Second Stop: Chinese Temple
Welcome to China!
Kylie - ang panganay na apo.
Dati pwedeng pumasok sa loob nyan. Tapos pwede ka umakyat hanggang sa mataas na part. Hindi ko alam kung bakit naka-lock na.
Hindi ko alam kung anong nakasulat. Basta yan yun nasa wall.
-------------
Third Stop: Strawberry Farm
Mainit kaya hindi na ko lumapit. Pero jan daw nag-shooting dun sa movie ni Robin and Rica.
Ang Strawberries ay parang Stars. Pareho ko silang hindi masyadong gusto. hehehe
peanut brittle, strawberry jam, lengua de gato
strawberry wine. masarap siya, in fairness.
----------------
Fourth Stop: Market
Walang picture kasi hindi ako bumaba.
----------------
Fifth Stop: Lunch sa Jack's Rice
Wala ding picture kase gutom na ko eh!
----------------
Sixth Stop: Groto
Medyo umuulan kaya madilim na yun mga pix.
Ngayon ko lang nalaman na mga Heswita pala ang nagpatayo ng Groto.
Si Ninang habang nagtutulos ng kandila
Hindi na daw kaya ni Mama na umakyat kaya sa may baba na lang siya magdadasal.
Si Mommy habang nag-aalay ng bulaklak.
------------------------
After nun, umuwi na kami. Nakakapagod din pala.
Lion. La lang..
mga bored sa sasakyan kaya video muna.