love

>> Wednesday, May 11, 2005

Noong isang gabi, sabi ni Gerry sa Stained Glass, ang Love daw ay hindi gaya ng kidlat na bigla na lang dumadating. Para daw itong ambon, na unti unting pumapatak at sa pagtagal mamamalayan mo na lang na basang basa ka na.

Hindi yata ganyang ganyan ang pagkakasabi pero parang ganyan sa pagkakatanda ko. Wala lang. Naalala ko lang.

3 comments:

clatot 12:04 PM  

ang ganda naman ng sinabi niya. kaya pala masarap maligo sa ulan! hahaha. tsaka kaya pala may kantang ...tuwing umuulan at kapiling ka! hehehe. wala na yata akong sense.

Ria 2:21 PM  

aba, ginamit ko na yang metaphor na yan dati pa! :P hindi nga lang love ang tinutukoy ko kundi acceptance.. lalang. nagulat lang ako nung nabasa ko.

btw, crush ko si "martin" ng lovers.. sya ba si gerry ng stained glass? :)

geeler 6:00 PM  

maganda nga ang mga linya ni Gerry sa Stained Glass... madalas, panalo eh! hahaha! well, any relationship for that matter eh ganun talaga... naalala ko rin yung sa fox at sa little prince, yung part about taming rituals. isa ko ring naalala, yung kantang "if i keep my heart out of sight" na sinasabing hindi niya pwedeng biglain yung pagsabi niya ng kanyang nararamdaman kasi siguradong basted siya... hahaha! ("i'd be a fool to let you know that your the one, like a fool who jumps the gun...")

Post a Comment

    Web Counter

  © Blogger template Simple n' Sweet by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP