if i were rich...
>> Tuesday, July 05, 2005
Naisip ko lang, kung sobrang yaman ko, hindi ko gagamitin yun pera para bayaran ang utang ng Pilipinas. Gagamitin ko yun para ipambili ng plane tickets tapos ibibigay ko sa lahat ng nagsabi sa kin ng "Ayoko na sa Pilipinas", "Alis na tayo dito", etc.
Pag may nasasabi sa kin ng ganyan, gusto ko sagutin ng "Tutulungan na kita mag-ayos ng gamit." Ewan ko, basta ayoko nakakarinig ng ganito. Nakakainis. Nakakasira ng araw.
Ok lang naman umalis, pero sana mas maganda ang dahilan. Mas matatanggap ko pa kung sasabihin mo sa kin na gusto mong makakita ng snow. Gusto ko din makakita nun noh. hehe
------------------
haay.. yan muna. ang aga aga eh. tsktsk
1 comments:
ako rin. hindi ko gustong nakakarinig ng ganun sa mga tao. dahil gusto lang nila tumakas. hindi naman malulutas ang problema kung lahat tayo aalis eh. andun pa rin pagbalik natin. tsaka para talagang hopeless na. may magagawa pa naman eh. ayaw lang gawin.
Post a Comment