alam ko na kung bakit..

>> Tuesday, October 18, 2005

Dati, sinabihan ako ng tita ko na bihira daw ako magsalita. Kapag umuuwi ako ng bahay, napakatipid ko daw magkwento. Nito ko na lang napapansin na tama nga sya.

Hindi naman talaga ako makwento pero lalong hindi ako makwento pag nasa bahay. Nasanay lang siguro ko na ganun. Tapos, nadagdagan pa ng epekto ng pagtira ko sa dorm nun college at ngayon naman sa boarding house.

Sa dorm kasi at sa boarding house, hindi ka required magsalita or magkwento. Kahit meron kang roomates, ok lang na tahimik ka. Hindi ganoon ka-nakakailang.

Tapos, may mag araw din na mag-isa ka lang sa kwarto kaya makakasanayan mo na ang katahimikan.

Gaya nung weekend, mag-isa lang ako sa kwarto pero dahil pumasok ako at lumabas nun Sat, hindi ko masyado na-feel ang pagiging 'home alone'. Pero nung Sunday ng gabi, na-realize ko na hindi ako nagsalita ng buong araw!

1130am ako gumising tapos nasa kwarto lang ako maghapon. Doon ako kumain. Nanood ako ng Billy Elliot (nakakaiyak talaga 'to), nakinig ng Disney 1 and 2 album, natulog ulit ng kaunti.

6pm na ko bumaba at isang beses lang ako nagsalita. Sinabi ko dun sa 3 year old na anak ng land lady namin na "ang taba mo na Moshi." Ang nakakatawa, hanggang nagyon, hindi pa nagsasalita ang batang ito. Para siyang si 'Boo' sa Monsters Inc pag nagsasalita, lalaking version nga lang.

Pagkatapos nun, nagdinner ako at nag-8pm mass. Medyo nakapagsalita na ko nyan kase mass e. Tapos kasama na din sa bilang pag kumakanta.

Gabi na nung may nakausap ako talaga habang nanood ng PBB.

Saka wala din pa lang nagtext (conversational) sa kin buong araw.

Ganyan madalas ang aking weekends at minsan din pag weekdays.

6 comments:

chi,  9:46 AM  

e di dapat mag-Ym conference tayo lagi hehehe. kitam, andami mo nakwento :)

clatot,  7:44 PM  

hehe. onga!

mikepogi,  1:38 PM  

e bat saing ndi ka nagkkwento? andaya. waf. favoritism!!! wehehe. sori sori.

geeler,  2:16 PM  

sabi ko nga noon sa iyo, hindi ka nag-s-share... hehehe... kapag magkakasama naman ang group, minsan, makulit ka... pero hindi ka pa rin madalas nagkukwento... nang-aasar, o nangungulit ka lang ng tao. pero ganyan lang siguro talaga. wala namang pilitan eh. comment lang :)

chi,  6:06 PM  

(ako sasagot para kay abbyG) e kasi pwede namang magtanong. hehe.

ava,  8:01 AM  

haha.. salamat, chi.

mike, ndi ka naman online nun e..

Post a Comment

    Web Counter

  © Blogger template Simple n' Sweet by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP