koreans
>> Wednesday, November 22, 2006
May nakasakay akong Korean family last Saturday nung pauwi ako sa Nueva. Sa bandang harap ako nakaupo kaya hindi ko sila mapapansin kung hindi nagkaron ng ingay sa gawi nila.
Pano naman kasi, hindi malaman nun kunduktor kung papano sila titikitan. Hindi kasi alam kung saan sila exactly bababa. Tatlo sila, nanay at tatay na nasa 40's siguro at yun anak nilang lalaki na 7 or 8 siguro. Yun bata lang ang marunong mag-English.
Ang sabi nila sa Malolos sila papunta pero nun inihinto sila, hindi daw dun. Kaya ayun, medyo nainis na naman yun kunduktor.
Sa mga oras na 'to, medyo naiinis ako sa kunduktor at dun sa ale na katabi nun mga Koreans na medyo pabibo. Kinakausap nya yun bata tapos ang lakas nya magsalita. Tapos sbe nya, "Baka nagtu-tour lang ang mga to. Gusto lang mag-round trip." Yun kunduktor naman, reklamo ng reklamo out loud.
Naiinis ako kase parang masyado nilang pinapalaki yun issue. Pwede naman bigyan ng ticket bago sila bumaba mismo. Tapos yun babae, parang pinapalabas nya na tatanga tanga yun mga Koreans. (well, ganun ang feeling ko). Hindi lang sila maka-communicate pero hindi ibig sabihin na wala silang alam.
Para naman dun sa mga Koreans, sana man lang tinandaan kasi yun pangalan ng lugar na bababaan. tsktsk
Nakarating naman sila ng maayos. It turns out sa WalterMart sa Gapan, N.E. sila pupunta.
2 comments:
Sa WalterMart lang pala sila pupunta, sana dun na lang sila sa may Pasong Tamo! Hahaha.
kawawa naman yung mga yun.. eh kung yung babae kaya ang mapadpad sa korea at sya ang hindi maintindihan, anong gagawin nya? hehe, affected masyado!
Post a Comment