bagong PC atbp.

>> Tuesday, August 23, 2005

Bago na ang PC ko! Yey! (next time, magdadala ko ng cam para maipakita ko dito).

Kaya lang hindi na-copy ng maayos yun ibang files at emails kaya inayos ko pa kanina. Hindi ko pa din alam kung alin pang files ang nawawala. Malalaman ko na lang pag kailangan ko na yun mga yun at hindi ko makita.

Kanina, may "nang-away" sa akin na client. Taga-Hong Kong. Pero kahit papano 'naayos' naman. Sana nga. Minsan kasi akala mo ok na tapos after sometime, kakausapin ka ng mga bossing about sa nangyari.

Kahapon, 'napagalitan' naman ako ng isang Big Boss na based sa Singapore. Pero cool lang ako habang sinsabon nya ko sa phone. Medyo na-weirduhan din siguro sya kasi wala akong masyadong reaction. Tama naman din kasi sya. hehe Ano bang meron sa araw na week na 'to? Bakit madaming nagagalit sa kin? Oh, well.

------------

Malapit na lumipat ng place yun 2 kong roomates. Dapat kasama ako na aalis kaso lang medyo inconvenient sa kin yun lilipatan kaya hindi ako sasama. Ma-mimiiss kaya nila ko? At ma-mimiss ko kaya sila? Malamang. Kami lang kasi yun maingay sa bhaus. Mga pasaway. Mga feeling may-ari ng bhaus -- ibig sabihin, kami ang madalas na may hawak ng remote control ng tv! haha Mga mahilig kumain (grabeng kain!).

Naalala ko, ganun din ang nangyari sa dorm ko nun college. After 1 year lumipat din ng place yun roomates ko. Is it me? hehe Pero hindi naman siguro. Swerte nga ako sa mga kasama sa bahay eh. Nakakasundo ko naman sila at napagtitiyagaan nila yun kakulitan ko. hehe Nagkakataon lang talaga na nakakahanap sila ng mas ok na place kaya sila umaalis.


0 comments:

Post a Comment

    Web Counter

  © Blogger template Simple n' Sweet by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP