bago mag-22
>> Saturday, March 18, 2006
"What I want to do and what I do are two separate things. If we all went around doing what we wanted all the time, there'd be chaos."
Napanood ko kanina yan (Simon Birch) sa Star Movies. Naiyak na naman ako.
--------------
After ng movie, pumunta ako sa mall para bumili ng pasta at cooking oil pati gatas ni James. Nakalimutan ko bumili ng cheese! Napagalitan pa ko ng nanay ko dahil ayaw ko daw kasi ilista kanina.
--------------
Pagdating ko ulit dito, nag-computer sandali tapos nag-dinner. Nanood ng tv sandali tapos nag-online dahil may chat session kami ni Maaike (taga-Nabuur).
Ang dami ko na kapalpakan sa volunteer work na yun. Buti medyo lumilinaw na ang mga bagay bagay. Natapos ko na din yun mga pinapagawa nya.
--------------
Naghihintay ako mag-12am. Ewan ko kung bakit. hehe
Dapat matulog na ko dahil 6am ako magma-mass. Ayoko sa 730am kasi madaming tao na kakilala ko (nasa Nueva ako ngayon) at baka batiin nila ko. Dahil malamang babanggitin sa misa na bday ko. Malabo ba? Basta, may pagka-anti social ako e. hehe
---------------
Ayan, 12am na! (oh no!!!! ayoko pa. i don't like. pu yao) hehehe
0 comments:
Post a Comment