another day's gone
>> Tuesday, April 05, 2005
530pm na, nandito pa rin ako sa office kahit hanggang 3pm lng ako today. Well, ok lng din naman kasi hindi naman talaga ko nagwowork. At saka may aircon dito! hehehe Ang init kasi sa boarding house kaya mas ok na dito. Hindi ko din masyadong feel mag-stay dun because the landlady is back!!! (waah...)
Wala din masyado ginagawa today sa office kasi holiday sa Hong Kong dahil Ching Ming Festival daw at sa Korea naman dahil Arbor Day. Actually, Hong Kong lang naman ang pinakamakukulit na Account Managers at clients. Ewan ko ba kung bakit ang dami nilang tanong at gustong gawin sa buhay. Minsan mapapaisip ka talaga, minsan naman nakakabobo.
Kahapon din, wala masyadong work kaya nag-ssurf lang ako. Ayun tuloy, pati ang Googlewhack (nabasa ko 'to sa blog ni Omi) pinatulan ko na -- pero hindi ako successful. =( Hindi pa rin ako nakakahanap ng "the one". Pati nga yun officemate ko napapaisip na rin ng word. Nandamay pa ko! hehehe
Ayan, malapit na mag-6pm. Siguro hindi na mainit pag uwi ko. Kaso, nakakatamad pa rin umuwi.
0 comments:
Post a Comment