!@#$%^&*()_+
>> Wednesday, February 01, 2006
Magsusulat sana ako ng nakakatawang experience kahapon sa Makati Med. Nagpa-xray kasi ako dahil sa TMJ dysfunction (sakit ng mayaman). Kung mahirap ka, jaw lock ang tawag. Pero yun case ko, hindi talaga jaw lock kasi naigagalaw ko naman, yun nga lang masakit. Anyway, wala akong gana na magkwento tungkol dun.
Naiinis kasi ako. Hindi ko sigurado kung malapit na ko magalit. At hindi ko alam kung sa ibang tao o sa sarili ko.
Hindi ko rin alam kung bakit. Tingin ko naipon lang yun mga bagay bagay na nangyari. Ganun kasi ako, mas sensitive sa mga maliliit na bagay. (Mas na-appreciate ko din ang malilit na bagay kaysa sa mga 'big time' na pangyayari.)
Ang nakakainis pa, hindi nyo alam na ganito ang nararamdaman ko ngayon. Hindi nyo ata ako sineseryoso e. Pero pwede din naman na ako ang hindi nagte-take into consideration ng side nyo. Ewan.
Pagbigyan nyo na lang sana ko. Hayaan nyo kong magalit, mag-rant, mag-drama.
Hindi pwedeng puro na lang kayo. Ako naman.
Kahit hindi nyo nalalaman. Ok na sa kin yun.
[para sa bumabasa: kung hindi ka maka-relate, hindi ka kasali sa mga taong yan. Ok? Ok. :) ]
0 comments:
Post a Comment