the ipis killer..

>> Thursday, February 16, 2006

9pm pa lang natulog na ko kagabi. Maaga kasi ang pasok ko this week at late ako nakakatulog noong mga nakakaraang araw. Ok na sana, kaso mga bandang 11pm, nagising ako. Tapos nakita ko na nakatayo yun roommate ko at kausap nya ata yun boyps nya sa fone.

Medyo napapasigaw siya pero pinipigil nya dahil ayaw nya ata ako magising. Tapos sabi nya, "Nagising ba kita? Sorry..."

Bumangon ako at ibinaba nya yun fone.

"May ipis kasi," sabi nya.

Medyo sabog pa ko at disoriented. Takot din ako sa ipis (lalo na pag lumilipad) pero dahil mas takot sya, kailangang maging matapang. hehe

Kumuha ko ng walis tapos inabutan nya ko ng pang-spray. Hindi Baygon, Crocodile ata yun brand. Tapos hawak naman nya yun maliit na desk lamp para ilawan yun ilalim ng kama dahil sumuot dun yun ipis.

Ayun, mukha kaming tanga kagabi. Pati ako napapatili at napapasigaw. Naririning kong tumatawa yun land lady namin sa baba. Tapos ang tagal ng buhay ng ipis. Kahit tinamaan ng walis at ni-spray-an ko na, buhay pa din.

Mga 10-15 minutes siguro kami na ganun. Pero napatay din sya in the end kahit muntik ng maubos yun pang-spray.

Bago matulog ulit, sabi ko sa kanya:

"Pano kung may Mother Ipis pala, tapos magising tayo bigla na kinakalabit ka sa pisngi? Pano kung gantihan nya tayo?"

Sabi nya, "Maghohotel ako ngayon din kahit maubos money ko."

0 comments:

Post a Comment

    Web Counter

  © Blogger template Simple n' Sweet by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP